Isa sa pinakamagandang lugar na aking napuntahan. Ang Bulusan Lake na matatagpuan sa Bulusan Sorsogon. Masasabi kong tunay na kawili-wili, kahanga-hanga at walang pinag-iwan na isang tunay na paraiso, ito ang Bulusan Lake na napaliligiran ng malalagong punung-kahoy at nasa tuktok ng bundok. Sa libis ng burol ay mayroon naman naglalakihan, makukulay at nag-papaligsahang mga magagandang bulaklak na wari’y kaakit-akit sa mga taong pumupunta. Mayroon naman kayak na sasakyan upang malibot ang napakalaking lawa na may kulay luntian na tubig at matatanaw ang isa sa pinakamalaking bulkan ng Bulusan. Lawa para sa sinuman na ibig mapag-isa upang lasapin ang biyaya ng tunay na katahimikan sa buhay at Makita ang kagandahan ng buong pusong inihain ng kalikasan. Ang malamig na simoy ng hangin dito ay nakapagpapadama na waring ang buhay ay walang katapusan. Sadyang napakasarap talagang mamasyal na tila malilimutan lahat ng problema sa sandaling iyon, kaya kung ako sa inyo halina’t magtungo sa isang lugar na siguradong magbibigay kasiyahan. Tara ng mamasyal dito sa Bulusan Lake at ng makita ang tunay na ganda.
Taoist Temple
Miyerkules, Setyembre 30, 2015
BULUSAN LAKE, A Secret Lake

Temple a terrible
TAOIST TEMPLE
Ang Taoist temple ay matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Cebu
City. Isa eto sa pinakamaganda at makulay na temple dito sa bansa.
Upang marating ang maganda ng bahagi ay kailangan mong akyatin ang 81
hagdan.Sa daan habang ikaw ay umaakyat ay madadaanan mo ang nagagandahan at
namumulakak na halaman. Ang ganda nitolalo nasa loob ng templo, dito ay
maaari kang magdasal at humiling. Sa labas nito ay mayroong mga banga na may
iba’t ibang taas dito ay maaari kang maghagis ng barya at humiling. Mayroon ding
aquarium na kung saan ay may statue ng isang lalaking nangingisda. May malaking
statue nang dragon sa garden na kung saan ay maaari kang kumuhang litrato. Maganda
at tahimikang lugar.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)